mga Kabanata

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Awit 83 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Panalangin Upang Matalo ang mga Kalaban

Awit ni Asaf.

1. Huwag kang manahimik, O Diyos, huwag kang magpabaya, ikaw ay kumilos.

2. Hayun! Ang kaaway nagsisipag-alsa,at ang namumuhi'y kinakalaban ka.

3. Sila'y nagbabalak laban sa hinirang,laban sa lahat ng iyong iningatan.

4. Ganito ang sabi, “Ating papawiin, ang kanilang bansa'y ating lilipulin;upang ang Israel, malimutan na rin!”

5. Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano,kanilang pasya ay lumaban sa iyo.

6. Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita,Moab at Agarenos lahat nagkaisa.

7. Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya,Amalek at Tiro at ang Filistia.

8. Pati ang Asiria'y nakipagsabwatan,sa lahi ni Lot, nakipagtulungan. (Selah)

9. Mga bansang ito'y iyong parusahan, tulad ng parusang ginawa sa Midian,kay Jabi't Siserang nalupig sa laban nang sa Ilog Kison, buhay winakasan.

10. Pinatay lahat at ang hukbo'y nawasak,sa Endor, ang bangkay nila ay nagkalat.

11. Yaong mga bantog nilang punong-kawal, kay Oreb at Zeeb iparis ang buhay.Lupigin mong lahat ang pinuno nila tulad ng sinapit ni Zeba't Zalmuna,

12. sila ang nagsabing, “Ang pastulan ng Diyosay ating kamkami't maging ating lubos.”

13. Ikalat mo silang parang alikabok,tulad ng dayami na tangay ng unos.

14. Tulad ng pagtupok ng apoy sa gubat,nang ang kaburula'y kubkob na ng ningas,

15. gayon mo habulin ng bagyong malakas,ito ang gawin mo't nang sila'y masindak.

16. Mga taong yaon sana'y hiyain mo,upang matutong maglingkod sa iyo.

17. Lupigin mo sila't takuting lubusan,lubos mong hiyain hanggang sa mamatay.

18. Sana ikaw, Yahweh, kanilang mabatid,ang tangi't dakilang hari ng daigdig!