mga Kabanata

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Awit 40 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Awit ng Pagpupuri

Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.

1. Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay,ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan;

2. sa balong malalim na lubhang maputik,iniahon niya at doo'y inalis.Ligtas na dinala sa malaking bato,at naging panatag, taglay na buhay ko.

3. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro,papuri sa Diyos, ang awit ng puso;matatakot ang bawat makakasaksi,at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh.

4. Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala,at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa;hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan.

5. Yahweh aking Diyos, wala kang katuladsa maraming bagay na iyong ginanap;kung pangahasan kong sabihin ang lahat,nangangamba akong may makalimutan.

6. Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin,hindi mo na ibig sa dambana dalhin, handog na sinusunog at mga kaloobhindi mo naisin, upang sala'y iyong patawarin.Sa halip, ang iyong kaloob sa akin ay pandinig ko upang ika'y dinggin.

7. Kaya ang tugon ko, “Ako'y naririto;nasa Kautusan ang mga turo mo.

8. Ang nais kong sundi'y iyong kalooban;aking itatago sa puso ang aral.”

9. Ang pagliligtas mo'y aking inihayag,saanman magtipon ang iyong mga anak;di ako titigil ng pagpapahayag.

10. Ang pagliligtas mo'y ipinagsasabi,di ko inilihim, hindi ko sinarili;pati pagtulong mo't pag-ibig na tapat,sa mga lingkod mo'y isinisiwalat.

11. Aking nalalamang di mo puputulin, Yahweh, ang iyong pagtingin sa akin;wagas mong pag-ibig at iyong katapatan, mag-iingat sa akin magpakailanpaman.

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos (Awit 70)

12. Kay rami na nitong mga suliranin,na sa karamiha'y di kayang bilangin.Alipin na ako ng pagkakasala,na sa dami, ako'y di na makakita;higit pa ang dami sa buhok sa ulo,kaya nasira na pati ang loob ko.

13. Nawa ay kalugdan, na ako'y tulungan! Yahweh, ngayon na, ako'y pakinggan.

14. Nawa ang may hangad na ako'y patayin,bayaang malito't ganap na talunin.Yaong nagagalak sa suliranin ko,hiyain mo sila't bayaang malito!

15. Silang nangungutya sa aki'y bayaangmanlumo nang labis, nang di magtagumpay!

16. Silang lumalapit sa iyo'y dulutanng ligaya't galak na walang kapantay;bayaang sabihing: “Si Yahweh ay Dakila!”ng nangaghahangad maligtas na kusa.

17. Ako ma'y mahirap at maraming kailangan,subalit hindi mo kinalilimutan.Ikaw ang tulong ko, at tagapagligtas—Yahweh aking Diyos, huwag ka nang magtagal!