mga Kabanata

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Awit 135 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Awit ng Pagpupuri

1. Purihin si Yahweh!Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya.

2. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasokupang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.

3. Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti,ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

4. Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod,ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.

5. Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila,higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana;

6. anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa,at kahit sa karagatan, ang anumang panukala,ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

7. Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig,maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis;sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip.

8. Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay,maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay.

9. Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga,upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.

10. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa,at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa.

11. Itong haring Amoreo na si Sihon ang pangalan,at ang haring ang ngala'y Og, isang haring taga-Bashan,at iba pang mga hari na pinuksa sa Canaan.

12. Ang lupain nila roon ay kinuha at sinamsam,ibinigay sa Israel, bayang kanyang hinirang.

13. Ang pangalan mo, O Yahweh, ay magpakailanman,lahat ng nilikha, Yahweh, hindi ka malilimutan.

14. Ikaw nama'y mahahabag sa lahat ng iyong lingkod,ang alipin ay lalaya sa kanilang pagkagapos.

15. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto,kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.

16. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka,mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita;

17. mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig,hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig.

18. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala,matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!

19. Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel,maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin.

20. Si Yahweh ay papurihan, kayong lahat na Levita,lahat kayong sumasamba ay magpuring sama-sama.

21. Ang Diyos na nasa Zion ay sambahin at purihin,si Yahweh ay papurihan, sa templo sa Jerusalem.Purihin si Yahweh!