Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Kawikaan 11:21-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan,ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.

22. Ang magandang babae ngunit mangmang naman,ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.

23. Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan,ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan.

24. Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman,ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.

25. Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

26. Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil,ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.

Basahin ang kumpletong kabanata Mga Kawikaan 11