Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Hukom 5:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Bakit ayaw ninyong iwan ang pastulan?Hindi n'yo ba maiwan ang inyong mga kawan?Ang lipi nga ni Ruben, sa pagpapasya'y nahirapan.

17. Ang Gilead ay nanatili sa silangan ng Jordan,ang mga barko'y hindi iniwan ng lipi ni Dan.Ang lipi ni Asher, sa tabing-dagat nagpaiwan,sila'y nanatili sa mga daungan.

18. Itinaya ng Zebulun ang kanyang buhay,gayundin ang Neftali na humarap sa digmaan.

19. “Ang mga hari'y dumating doon sa labanan,silang mga hari ng lupang Canaan,sa mga batis ng Megido doon sa Taanac,ngunit wala silang nasamsam na pilak.

Basahin ang kumpletong kabanata Mga Hukom 5