Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Bilang 21:20-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Pag-alis doo'y nagtuloy sila sa isang kapatagang sakop din ng Moab, sa tuktok ng Pisga na nakaharap sa ilang.

21. Ang mga Israelita'y nagsugo kay Haring Sihon, isang Amoreo. Ipinasabi nila,

22. “Maaari po bang makiraan kami sa inyong lupain? Hindi po kami daraan sa alinmang bukirin o ubasan, ni iinom sa inyong balon. Sa Lansangan ng Hari po kami daraan hanggang sa makalampas kami sa inyong nasasakupan.”

23. Subalit hindi sila pinahintulutan ni Haring Sihon; sa halip, tinipon niya ang kanyang hukbo at sinalakay ang mga Israelita sa Jahaz.

24. Ngunit nagwagi ang mga Israelita at nasakop ang kanyang lupain, mula sa Ilog Arnon hanggang Jabok, sa may hangganan ng Ammon. Matitibay ang mga kuta ng Ammon.

25. Sinakop ng mga Israelita ang mga lunsod ng mga Amoreo, pati ang Lunsod ng Hesbon at ang mga bayang sakop nito. Pagkatapos, sila na ang nanirahan sa mga lunsod na ito ng mga Amoreo.

26. Ang Hesbon ang siyang punong-lunsod ni Haring Sihon na lumupig sa hari ng Moab at sumakop sa lupain nito hanggang Ilog Arnon.

27. Kaya ang sabi ng mga mang-aawit,“Halikayo sa Hesbonat muling itayo ang lunsod ni Sihon.

28. Mula sa Hesbon na lunsod ni Sihon,lumabas na parang apoy ang kanyang hukbo.Tinupok nito ang lunsod ng Ar sa Moab,at nilamon ang kaburulan ng Arnon.

Basahin ang kumpletong kabanata Mga Bilang 21