Lumang Tipan

Bagong Tipan

Levitico 7:18-32 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Kapag may kumain pa nito, ang handog na iyo'y hindi tatanggapin at mawawalan ng kabuluhan. Iyo'y magiging kasuklam-suklam at pananagutin ang sinumang kumain niyon.

19. Ang handog na karneng nadampian ng anumang bagay na marumi ay hindi dapat kainin; dapat itong sunugin.“Ang sinumang malinis ayon sa batas ay maaaring kumain ng karneng ito.

20. Ngunit ang kumain ng karneng handog pangkapayapaan nang di nararapat ay ititiwalag sa bayan ng Diyos.

21. Ititiwalag sa sambahayan ng Diyos ang sinumang makahawak ng marumi: tao, hayop o anumang bagay na karumal-dumal, at pagkatapos ay kumain ng handog pangkapayapaan.”

22. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

23. “Sabihin mo sa bayang Israel na huwag silang kakain ng taba ng baka, tupa o kambing.

24. Ang taba ng hayop na kusang namatay o ng hayop na niluray ng kapwa hayop ay maaaring gamitin sa ibang bagay, huwag lamang kakainin.

25. Kaya, ang sinumang kumain ng taba ng hayop na inihandog kay Yahweh ay ititiwalag sa sambayanan.

26. At kahit saan kayo naroon, huwag kayong kakain ng dugo ng anumang hayop o ibon.

27. Ang sinumang kumain nito ay ititiwalag sa sambayanan ng Diyos.”

28. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

29. “Sabihin mo rin ito sa bayang Israel: ‘Ang sinumang maghahandog para sa kapayapaan ay magbubukod ng bahagi nito para sa akin.

30. Siya mismo ang maghahandog nito. Dadalhin din niya ang taba at dibdib nito sa harap ng altar upang ihain bilang tanging handog.

31. Kukunin ng pari ang taba nito at susunugin sa altar, ngunit ang dibdib ay ibibigay kay Aaron at sa kanyang mga anak.

32. Ang kanang hita naman ay ibibigay sa paring

Basahin ang kumpletong kabanata Levitico 7