Lumang Tipan

Bagong Tipan

Job 41:3-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Siya kaya ay lumapit at lumuhod sa harap mo,magsalita nang malumanay at magmakaawa sa iyo?

4. Siya kaya'y makiusap at ikaw ay pangakuan,na sa habang buhay ikaw ay paglingkuran?

5. Siya kaya'y parang ibong tatalian at lalaruinupang mga babaing lingkod mo ay aliwin?

6. Tawaran kaya siya ng mga mamimili,paghatian kaya siya upang maipagbili?

7. Tablan kaya ang makapal niyang balat,sa ulo kaya niya'y tumagos ang matulis na sibat?

8. Hawakan mo siya kahit na minsan lang,hindi mo na uulitin dahil sa inyong paglalaban.

9. “Ang sinumang sa kanya'y makakakita,sa lupa'y mabubuwal, nawawalan ng pag-asa.

10. Kapag siya'y ginambala, ubod siya ng bagsik.Sa kanyang harapa'y walang nangangahas lumapit.

11. Sinong lulusob sa kanya at hindi mamamatay?Walang makakagawa nito sa buong sanlibutan.

12. “Ang kanyang mga binti ay malaki at matatag,at walang kaparis ang taglay nitong lakas.

13. Sino ang makakapag-alis sa panlabas niyang kasuotan?May sandata na bang nakatusok sa balat niyang makapal?

14. Sa bibig niya'y sino kaya ang maaaring magbuka?Nakakatakot na mga ngipin nakahanay sa bunganga niya.

Basahin ang kumpletong kabanata Job 41