Lumang Tipan

Bagong Tipan

Job 39:8-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang pastulan nila'y ang kaburulan,hinahanap nila'y sariwang damuhan.

9. “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho?Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra?

10. Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit,at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid?

11. Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya?Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya?

12. Umaasa ka ba na siya ay magbabalikupang sa ani mo ay siya ang gumiik?

13. “Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay,nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal?

14. Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan,ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan.

15. Di niya iniisip na baka ito'y matapakan,o baka madurog ng mailap na nilalang.

16. Sa mga inakay niya siya ay malupit,hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit,

17. sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan,di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan.

18. Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo,pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo.

Basahin ang kumpletong kabanata Job 39