Lumang Tipan

Bagong Tipan

Job 39:19-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. “Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo?Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito?

20. Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang,at kapag humalinghing ay kinatatakutan?

21. Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa,at napakabilis tumakbo upang makidigma.

22. Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib,sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig.

23. Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay,sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang.

24. Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon,hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong.

25. Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya.Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa;maging ang utos ng kapitan sa mga kasama.

26. “Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad,kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak?

27. Naghihintay ba ng iyong utos ang agila,upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya?

Basahin ang kumpletong kabanata Job 39