Lumang Tipan

Bagong Tipan

Job 35:3-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Sa iyong sinasabi, ang mapapala ko'y ano?Hindi kaya mabuti pang nagkasala na nga ako?

4. Ika'y aking sasagutin sa sinabi mong ito.Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo.

5. “Tumingala ka sa langit at igala ang paningin, masdan mo ang mataas na ulap sa papawirin.

6. Di napipinsala ang Diyos sa mga kasalanan mo,walang magagawa sa kanya gaano man karami ito.

7. Wala kang naitulong sa kanya sa iyong pagiging matuwid,wala kang naibigay kahit bagay na maliit.

8. Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa,sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.

Basahin ang kumpletong kabanata Job 35