Lumang Tipan

Bagong Tipan

Job 11:2-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. “Palalampasin na lang ba ang napakarami mong sinabi?Tama ba ang isang tao kapag ito ay maraming salita?

3. Akala mo ba'y di masasagot ang mga sinabi mo,at sa iyong pangungutya, kami'y di na makapagsasalita?

4. Ipinipilit mong tama ang iyong paniniwala,at sa harap ng Diyos ika'y malinis na lubos.

5. Magsalita sana ang Diyos upang ika'y masagot.

6. Upang masabi sa iyo ang mga lihim ng karunungan,sapagkat napakalalim ng kanyang kaalaman,parusa nga niya sa iyo'y mas maliit kaysa iyong kasalanan.

7. “Masusukat mo ba ang kapangyarihan ng Diyos?Kanyang kadakilaan, iyo bang maaabot?

8. Higit itong mataas kaysa kalangitan,at mas malalim kaysa daigdig ng mga patay.

9. Malawak pa iyon kaysa sanlibutan,higit na malaki kaysa karagatan.

10. Kung dakpin ka ng Diyos at iharap sa hukuman,mayroon bang sa kanya'y makakahadlang?

11. Kilala ng Diyos ang taong walang kabuluhan,kitang-kita niya ang kanilang kasamaan.

Basahin ang kumpletong kabanata Job 11