Lumang Tipan

Bagong Tipan

Jeremias 2:14-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. “Hindi alipin ang Israel nang siya'y isilang.Ngunit bakit siya pinaghahanap ng kanyang mga kaaway?

15. Sila'y parang mga leong umaatungalhabang winawasak ang lupain;giniba ang kanyang mga lunsod kaya't wala nang naninirahan doon.

16. Binasag ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang kanyang bungo.

17. Ikaw na rin, Israel, ang dapat sisihin sa nangyari sa iyo!Tinalikdan mo ako na iyong Diyos,akong si Yahweh na umakay sa iyong mga paglalakbay.

18. Ano ang mapapala mo sa pagpunta sa Egipto?Ang makainom ng tubig sa Ilog Nilo?Ano ang inaasahan mong makukuha sa Asiria?Ang makainom ng tubig sa Ilog Eufrates?

19. Paparusahan ka ng sarili mong kasamaan.Ipapahamak ka ng iyong pagtalikod sa akin.Mararanasan mo kung gaano kapait at kahirapang mawalan ng takot at tumalikod kay Yahweh na iyong Diyos.Ako, ang Panginoong Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat,ang nagsasabi nito.

20. “Matagal mo nang itinakwil ang kapangyarihan ko, Israel,at ako'y ayaw mong sundinsapagkat ang sabi mo, ‘Hindi ako maglilingkod.’Ngunit sa ibabaw ng bawat mataas na burol,at sa lilim ng bawat mayabong na punongkahoy,ikaw ay sumamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng babaing nagbebenta ng sarili.

21. Maganda ka noon nang aking itanim,mula sa pinakamalusog na binhi ng ubas.Tingnan mo ngayon ang naging buhay mo!Para kang ubas na ligaw, nabubulok ang bunga at walang pakinabang!

Basahin ang kumpletong kabanata Jeremias 2