Lumang Tipan

Bagong Tipan

Jeremias 18:3-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Kaya nagpunta naman ako, at dinatnan ko ang magpapalayok sa kanyang gawaan.

4. Kapag ang ginagawa niyang palayok ay nasira, hinahalo niyang muli ang putik, at hinuhugisan nang panibago.

5. Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh,

6. “O Israel, wala ba akong karapatang gawin sa iyo ang ginawa ng magpapalayok sa putik na iyon? Kayo'y nasa mga kamay ko, tulad ng putik sa kamay ng magpapalayok.

7. Kung sinabi ko man sa isang pagkakataon na aking bubunutin, ibabagsak o lilipulin ang alinmang bansa o kaharian,

8. at ang bansang iyon ay tumalikod sa kanyang kasamaan, hindi ko na itutuloy ang aking sinabing gagawin.

9. Sa kabilang dako, kung sinabi ko man na itatayo ko o itatatag ang isang bansa o kaharian,

10. at gumawa pa rin ng kasamaan ang bansang iyon at hindi nakinig sa akin, babaguhin ko ang aking magandang balak.

11. Kaya nga, sabihin mo sa mga naninirahan sa Juda at sa Jerusalem na may binabalak ako laban sa kanila at ako'y naghahanda upang parusahan sila. Sabihin mo sa kanila na tigilan na ang makasalanang pamumuhay at magbago na sila.

12. Ang isasagot nila, ‘Hindi! Lalo pa kaming magmamatigas at magpapakasama hanggang gusto namin.’”

Basahin ang kumpletong kabanata Jeremias 18