Lumang Tipan

Bagong Tipan

Jeremias 18:14-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Nawawalan ba ng yelo ang mabatong kabundukan ng Lebanon?Natutuyo ba ang umaagos at malamig na batis doon?

15. Subalit ako'y kinalimutan ng aking bayan;nagsusunog sila ng kamanyang sa mga diyus-diyosan.Nadapa sila sa daang dapat nilang lakaran,at hindi na nila dinaanan ang lumang kalsada;lumakad sila sa mga daang walang palatandaan.

16. Ang lupaing ito'y ginawa nilang pook ng katatakutan,at pandidirihan habang panahon.Masisindak ang bawat dadaan dito dahil sa makikita nila;mapapailing na lamang sila sa malaking pagtataka.

17. Pangangalatin ko ang aking bayan sa harapan ng kanilang mga kaaway,gaya ng alikabok na hinihipan ng malakas na hangin.Tatalikuran ko sila at hindi tutulunganpagdating ng araw ng kapahamakan.”

18. Nang marinig ito ng mga tao, sinabi nila, “Patayin na natin si Jeremias! May mga pari namang magtuturo sa atin, mga matatalino na magbibigay ng payo, at mga propetang magpapahayag ng mensahe ng Diyos. Isakdal natin siya, at huwag nang pakinggan ang mga sinasabi niya.”

19. Kaya nanalangin si Jeremias, “Yahweh, pakinggan mo ang aking dalangin; nalalaman mo ang binabalak ng aking mga kaaway.

Basahin ang kumpletong kabanata Jeremias 18