Lumang Tipan

Bagong Tipan

Isaias 54:6-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Israel, ang katulad mo'y asawang iniwan at ngayo'y nagdurusa,isang babaing maagang nag-asawa at pagkatapos ay itinakwil.Ngunit pinababalik ka ngayon ni Yahweh at sa iyo'y sinasabi,

7. “Sandaling panahon kitang iniwanan;ngunit dahil sa tapat kong pag-ibig, muli kitang kakalingain.

8. Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo,ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.”Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.

9. “Noong panahon ni Noe, ako ay sumumpanghindi na mauulit na ang mundong ito'y gunawin sa tubig.Aking ipinapangako ngayon, hindi na ako magagalit sa iyo,at hindi na kita paparusahan muli.

10. Maguguho ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig,ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho,at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.

11. Sinabi ni Yahweh,“O Jerusalem, nagdurusang lunsodna walang umaliw sa kapighatian.Muling itatayo ang mga pundasyon mo, ang gagamitin ko'y mamahaling bato.

12. Rubi ang gagamitin sa iyong mga tore,batong maningning ang iyong pintuanat sa mga pader ay mga hiyas na makinang.

13. Ako mismo ang magtuturo sa iyong mga anak.Sila'y magiging payapa at uunlad ang buhay.

14. Patatatagin ka ng katuwiran,magiging ligtas ka sa mga mananakop,at wala kang katatakutang anuman.

15. Kung may sumalakay sa iyo,hindi ito mula sa akin;ngunit mabibigo ang sinumang sa iyo ay lumaban.

16. Ako ang lumikha ng mga panday,na nagpapaapoy sa baga at gumagawa ng mga sandata.Ako rin ang lumikha sa mga mandirigma,na gumagamit sa mga sandata upang pumatay.

17. Ngunit mula ngayon, wala nang sandatang gagamitin laban sa iyo,at masasagot mo ang anumang ibibintang sa iyo.Ang mga lingkod ko'y aking ipagtatanggol,at sila'y bibigyan ng pagtatagumpay.”Ito ang sinabi ni Yahweh.

Basahin ang kumpletong kabanata Isaias 54