Lumang Tipan

Bagong Tipan

Isaias 50:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh:“Pinalayas ko ba ang aking bayan,tulad ng isang lalaking pinalayas at hiniwalayan ang kanyang asawa?Kung gayon, nasaan ang kasulatan ng ating paghihiwalay?Pinagtaksilan ko ba kayo para maging bihag,tulad ng amang nagbenta ng anak upang maging alipin?Hindi! Nabihag kayo dahil sa inyong kasalanan,itinapon kayo dahil sa inyong kasamaan.

2. Bakit ang bayan ko'y hindi kumilosnang sila'y lapitan ko para iligtas?Nang ako'y tumawag isa ma'y walang sumagot.Bakit? Wala ba akong lakas para iligtas sila?Kaya kong tuyuin ang dagat sa isang salita lamang.Magagawa kong disyerto ang ilogupang mamatay sa uhaw ang mga isda roon.

3. Ang bughaw na langit ay magagawa kongkasing-itim ng damit-panluksa.”

4. Ang Panginoong Yahweh ang nagturo sa akin ng aking sasabihin,para tulungan ang mahihina.Tuwing umaga'y nananabik akong malamankung ano ang ituturo niya sa akin.

5. Binigyan ako ng Panginoong Yahweh ng pang-unawa,hindi ako naghimagsiko tumalikod sa kanya.

6. Hindi ako gumanti nang bugbugin nila ako,hindi ako kumibo nang insultuhin nila ako.Pinabayaan ko silang bunutin ang aking balbasat luraan ang aking mukha.

Basahin ang kumpletong kabanata Isaias 50