Lumang Tipan

Bagong Tipan

Isaias 5:25-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Kaya dahil sa laki ng galit ni Yahweh, paparusahan niya ang kanyang sariling bayan.Mayayanig ang mga bundok;mga bangkay ay mangangalat na parang mga basurangsa lansanga'y sasambulat.Ngunit ang poot niya'y hindi pa mawawala,kanyang mga kamay handa pa ring magparusa.

26. Huhudyatan niya ang isang malayong bansa,tatawagin niya ito mula sa dulo ng lupa;at mabilis naman itong lalapit.

27. Isa man sa kanila'y hindi mapapagodo makakatulog o madudulas;walang pamigkis na maluwago lagot na tali ng sandalyas.

28. Matutulis ang kanilang panudla,at nakabanat ang kanilang mga pana;ang kuko ng kanilang kabayo'y sintigas ng bakalat parang ipu-ipo ang kanilang mga karwahe.

29. Ang sigawan nila'y parang atungal ng batang leon,na nakapatay ng kanyang biktimaat dinala ito sa malayong lugar na walang makakaagaw.

Basahin ang kumpletong kabanata Isaias 5