Lumang Tipan

Bagong Tipan

Isaias 5:10-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Sa bawat walong ektaryang ubasan, dalawampu't dalawang litrong alak lamang ang makukuha;sa bawat sampung kabang inihasik, limang salop lamang ang aanihin.

11. Kawawa ang maaagang bumangonna nagmamadali upang makipag-inuman;inaabot sila ng hatinggabihanggang sa malasing!

12. Tugtog ng lira sa saliw ng alpa;tunog ng tamburin at himig ng plauta;saganang alak sa kapistahan nila;ngunit mga ginawa ni Yahweh ay hindi nila inunawa.

13. Kaya nga ang bayan ko ay dadalhing-bihag ng hindi nila nalalaman;mamamatay sa gutom ang kanilang mga pinuno,at sa matinding uhaw, ang maraming tao.

14. Ang daigdig ng mga patay ay magugutom;ibubuka nito ng maluwangang kanyang bibig.Lulunukin nito ang mga maharlika ng Jerusalem,pati na ang karaniwang tao na nagkakaingay.

15. Ang lahat ng tao'y mapapahiya,at ang mayayabang ay pawang ibababâ.

16. Ngunit si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, pupurihin siya sa hatol niyang matapat,at sa pagpapakita ng katuwiran, makikilalang ang Diyos ay Banal.

17. Sa gayon, sa tabi ng mga guho ay manginginainang mga tupa at mumunting kambing.

18. Kawawa kayo, mga makasalanan na walang ginawa kundi humabi ng kasinungalingan;hindi kayo makakawala sa inyong kasamaan.

19. Sinasabi ninyo: “Pagmadaliin natin ang Diyosupang ating makita ang kanyang pagkilos;maganap na sana ang plano ng Banal na Diyos ng Israel,nang ito'y malaman natin.”

Basahin ang kumpletong kabanata Isaias 5