Lumang Tipan

Bagong Tipan

Isaias 5:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mayroong ubasan ang aking sinta,sa libis ng bundok na lupa'y mataba,kaya ako'y aawit para sa kanya.

2. Hinukay niya ang lupa at inalisan ng bato,mga piling puno ng mabuting ubas ang kanyang itinanim dito.Sa gitna'y nagtayo siya ng isang bantayanat nagpahukay pa ng balong pisaan.Pagkatapos nito ay naghintay siya na ang kanyang tanim ay magsipagbunga,ngunit bakit ang kanyang napitas ay maasim ang lasa?

3. Kaya ngayon, mga taga-Jerusalemat mga taga-Juda,kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.

4. Ano pa ba ang aking nakaligtaang gawin sa aking ubasan?Bakit nang ako'y mamitas ng bunga,ang aking nakuha ay maasim ang lasa?

5. Kaya ganito ang gagawin ko sa aking ubasan:Puputulin ko ang mga halamang nakapaligid ditoat wawasakin ang bakod.Ito'y kakainin at sisirain ng mga hayop.

6. Pababayaan ko itong malubog sa mga tinik at damo;hindi ko babawasan ng labis na dahon at sanga,hindi ko bubungkalin ang paligid ng mga puno nito;at pati ang ulap ay uutusan ko na huwag magbigay ng ulan.

Basahin ang kumpletong kabanata Isaias 5