Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ezekiel 37:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na.

3. Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”

4. Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang salita ni Yahweh.

5. Ito ang ipinapasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay.

6. Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo'y mabubuhay. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.”

7. Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako'y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay.

8. Nakita kong sila'y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga.

9. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinapasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila'y mabuhay.”

Basahin ang kumpletong kabanata Ezekiel 37