Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ezekiel 27:21-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ang Arabia naman at ang mga pangunahin ng Kedar ang pinanggalingan ng kailangan mong kordero, tupang lalaki, at mga kambing.

22. Nakipagkalakalan din sa iyo ang Seba at Raama; ang dala nila'y lahat ng uri ng piling pabango, mamahaling bato, at mga ginto.

23. Nakipagkalakalan din sa iyo ang Haran, Cane, Eden, Assur, at Kilmad.

24. Mamahaling damit na asul at burdado, alpombrang magaganda at iba't ibang kulay at natataliang mabuti ng kordon. Ang mga ito ang ibinibiyahe nila sa iyo.

25. Mga malalaking barko ang pambiyahe mo ng iyong mga produkto.“Ikaw ay punung-puno ng mabigat na kalakalsa gitna ng karagatan.

26. Dinadala ka ng mga tagasagwan mo sa iba't ibang lugar,ngunit binayo ka ng hanging mula sa silangan, at nawasak sa gitna ng dagat.

27. Ang iyong kayamanan, kalakal,mga marinero, kapitan,tagakumpuni, mangangalakal, at mga kawalay kasama mong nalubog sa dagat nang ikaw ay mawasak.

28. Mga lugar sa baybayin ay nayanigsa sigaw ng mga tagasagwan mong nalulunod sa gitna ng tubig.

29. “Wala nang tao isa man sa mga barko;nag-alisan na ang mga tripulante.

30. Tinangisan ka nila nang buong kapaitan.Nilagyan nila ng alabok ang kanilang ulo saka gumulong sa bunton ng abo.

31. Nag-ahit sila ng ulo.Pagkatapos, nagbihis ng damit-panluksaat nanangis nang kapait-paitan.

32. Ang panaghoy nila'y hinaluan pa ng panaghoy:‘Sino ang nawasak sa gitna ng dagat na tulad ng Tiro?’ tanong nila.

33. Ang mga kalakal moay pantugon sa pangangailangan ng marami.Dahil sa yaman mo at panindaay bumuti ang buhay ng mga hari.

34. Ngayon, ikaw ay wasak na sa gitna ng karagatan.Lumubog na kasama mo ang iyong mga produkto at mga tauhan.

35. Ang lahat sa baybay-dagat, pati nasa katihan,ay nagtatakang natatakot sa iyong sinapit.

36. Katapusan mo na, mawawala ka na nang lubusan.Lahat ng mangangalakal sa daigdig ay takot na takot at baka matulad sila sa iyong sinapit.”

Basahin ang kumpletong kabanata Ezekiel 27