Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ezekiel 27:1-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi sa akin ni Yahweh,

2. “Ezekiel, anak ng tao, awitan mo ng panaghoy ang Tiro. Sabihin mo sa kanya:

3. Lunsod ng Tiro, lunsod na nasa bunganga ng dagat, at nakikipagkalakalan sa mga bansa sa malalayong dako. Ito ang ipinapasabi sa iyo ni Yahweh:‘Tiro, ipinagmamalaki mo ang iyong kagandahan at sinasabing wala kang kapintasan.’

4. Ang tahanan mo ay ang karagatan.Ikaw ay ginawang tila isang magandang sasakyang-dagat.

5. Mga piling kahoy buhat sa Bundok Hermon ang tablang ginamit,at ang palo ay kahoy buhat sa Lebanon.

6. Ang mga sagwan mo ay ensina buhat pa sa Bashan.Mga tablang sedar buhat pa sa Cyprusang matibay mong kubyerta at may disenyo pang garing.

7. Hinabing lino buhat sa Egipto ang iyong layagat siya mo ring bandila;telang kulay ube na yari sa Cyprus ang bubong mo.

8. Mga taga-Sidon at Arvad ang iyong tagasagwan,ang mga tripulante'y mga dalubhasa mong tauhan.

9. Ang mga karpintero mo'y sinanay pa sa Biblos.Ang nakipagkalakalan sa iyo ay mga tripulante ng iba't ibang barko.

10. “Mga taga-Persia, Lydia at Libya ang bumubuo ng iyong hukbo. Mga kalasag at helmet nila'y nakapalamuti sa iyong mga dingding.

11. Mga taga-Arvad ang nakapaligid sa iyo, at mga taga-Gamad ang nasa iyong bantayan. Ang kanilang mga kalasag at helmet ang lumulubos sa iyong kagandahan.

12. “Ang Tarsis ay nakipagkalakalan sa iyo. Ang kanyang minang pilak, bakal, lata, at tingga ay ipinagpalit niya sa mga pangunahing paninda mo.

13. Ang Javan, Tubal at Meshec ay nagdala sa iyo ng mga alipin at kagamitang tanso bilang kapalit ng iyong mga produkto.

14. Kabayo at asno naman ang ibiniyahe sa iyo ng Beth-togarma.

15. Nakipagkalakalan din sa iyo ang mga taga-Rodes. Maraming lugar sa baybayin ang dinalhan mo ng paninda; garing at pangil naman ng elepante ang kanilang ipinalit.

16. Nakipagkalakalan din sa iyo ang Siria; esmeralda, purpurang pinong lino na nabuburdahan nang maganda, batong koral, at pulang rubi ang ipinalit niya sa mga pangunahin mong produkto.

17. Trigo naman, olibo, pulot-pukyutan, langis, at balsamo ang ipinalit ng Juda at Israel sa mga kalakal mo.

18. Ang Damasco ay nagdadala sa iyo ng inumin na yaring Helbon, puting lana,

19. inuming yaring Uzal na siyang pamalit sa kinuha niya sa iyo; mga kagamitang yaring bakal, akasya at kalamo ang iyong inaangkat.

Basahin ang kumpletong kabanata Ezekiel 27