Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ezekiel 19:8-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. At nagkaisa laban sa kanya ang mga bansa sa palibot.Iniumang nila ang kanilang mga lambatat siya ay nahulog sa kanilang patibong.

9. Siya ay ikinulong nila't dinala sa hari ng Babilonia;pinabantayan siyang mabuti.Mula noon, ang ungal niya'y di na narinigsa mga bundok ng Israel.

10. Ang iyong ina ay tulad ng baging ng ubas,itinanim sa tabi ng batis.Sapagkat sagana sa tubig, kaya ito ay lumago at namunga nang marami.

11. Matitigas ang kanyang mga sanga,bagay na setro ng hari.Ito'y tumaas, umabot sa mga ulap.Namumukod nga sa taas, namamalas ng lahat.

12. Ngunit dahil sa matinding galit, ito ay ibinuwal,bunga nito ay nalanta sa ihip ng hangin.Ang puno ay natuyo, sa huli ay sinunog.

13. At ito nga'y itinanim sa disyerto,sa lupaing tuyung-tuyo, kaunti ma'y walang katas.

14. Ang punong iyon ay nasunog,bunga't sanga ay natupok,kaya't wala nang makuhang gagawing setro.Ito ay isang panaghoy at paulit-ulit na sasambitin.

Basahin ang kumpletong kabanata Ezekiel 19