Lumang Tipan

Bagong Tipan

Exodo 40:21-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ipinasok niya sa tolda ang Kaban ng Tipan at tinabingan, ayon sa utos ni Yahweh.

22. Ang mesa ay inilagay niya sa loob ng Toldang Tipanan, sa may gawing hilaga ng tabernakulo, sa labas ng tabing.

23. Tulad ng utos ni Yahweh, ipinatong niya sa mesa ang tinapay na panghandog.

24. Inilagay niya ang ilawan sa loob ng Toldang Tipanan, sa gawing timog ng tabernakulo, sa tapat ng mesa at

25. iniayos ang mga ilaw, tulad ng utos ni Yahweh.

26. Inilagay niya sa loob ng Toldang Tipanan ang altar na ginto, sa harap ng tabing.

27. Dito niya sinunog ang mabangong insenso, tulad ng utos sa kanya ni Yahweh.

28. Ikinabit niya ang tabing sa pintuan ng tabernakulo.

Basahin ang kumpletong kabanata Exodo 40