Lumang Tipan

Bagong Tipan

Exodo 37:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Gumawa siya ng apat na argolyang ginto at ikinabit sa apat na paa ng kaban, tigalawa sa magkabila.

4. Gumawa rin siya ng kahoy na pampasan na yari sa akasya at binalutan din niya ito ng ginto.

5. Isinuot niya ang mga ito sa mga argolya sa magkabilang gilid upang maging pasanan nito.

6. Ginawa rin niya ang Luklukan ng Awa na yari sa purong ginto. Ang haba nito'y 1.1 metro, at 0.7 metro naman ang luwang.

Basahin ang kumpletong kabanata Exodo 37