Lumang Tipan

Bagong Tipan

Exodo 26:1-14 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Para sa tabernakulo, gumawa ka ng sampung pirasong tela na yari sa telang lino na ihinabi sa lanang kulay asul, kulay ube at kulay pula. Ito'y dapat burdahan ng larawan ng kerubin.

2. Ang haba ng bawat piraso ay 13 metro at dalawang metro naman ang lapad.

3. Pagkakabit-kabitin ninyo ito ng tiglilima.

4. Ang tig-isang gilid nito'y lagyan ninyo ng silo na yari sa taling asul.

5. Tiglilimampung silo ang ilagay ninyo sa bawat piraso.

6. Gumawa ka ng limampung kawit na ginto at ang mga ito ang gagamitin ninyo para pagkabitin ang dalawang piraso.

7. “Gumawa ka rin ng labing-isang pirasong kurtina na gawa sa balahibo ng kambing na siyang gagawing takip sa ibabaw ng tabernakulo.

8. Bawat isa nito'y 13 metro ang haba at 2 metro naman ang lapad.

9. Pagkabit-kabitin ninyo ang limang piraso at gayundin ang gawin sa anim na natitira. Ang ikaanim ay ilulupi at siyang ilalagay sa harap ng tolda.

10. Bawat piraso ay palagyan mo ng tiglilimampung silo ang gilid.

11. Gumawa ka ng limampung kawit na tanso at isuot mo sa mga silo para pagkabitin ang dalawang piraso upang maging isa lamang.

12. Ang kalahating bahagi ng tabing ay ilaladlad sa likuran upang maging takip.

13. Ang tig-kalahating metrong sobra sa mga tabi ay siyang takip sa gilid.

14. Ito ay lalagyan pa ng dalawang patong ng pulang balat: ang ilalim ay balat ng tupang lalaki at ang ibabaw ay balat na mainam.

Basahin ang kumpletong kabanata Exodo 26