Lumang Tipan

Bagong Tipan

Exodo 23:28-33 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Habang kayo'y papalapit, guguluhin ko ang inyong mga kaaway at palalayasin ko ang mga Hivita, Cananeo at Heteo sa kanilang lupain.

29. Hindi ko muna sila paaalising lahat sa loob ng isang taon para hindi mapabayaan ang lupain at nang hindi dumami ang mga maiilap na hayop.

30. Unti-unti ko silang paaalisin hanggang sa dumami ang inyong mga anak.

31. Ang magiging hangganan ng inyong lupain ay mula sa Dagat na Pula hanggang sa Dagat Mediteraneo, at mula sa ilang hanggang sa Ilog Eufrates. Ipapalupig ko sa inyo ang mga tagaroon at sila'y inyong palalayasin.

32. Huwag kayong makikipagtipan sa kanila o sa kanilang mga diyus-diyosan.

33. Huwag ninyo silang patitirahing kasama ninyo sa lupaing sasakupin ninyo, at baka mahikayat nila kayong magkasala sa akin. Kapag pinaglingkuran ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan, iyon ang magiging simula ng inyong kapahamakan.”

Basahin ang kumpletong kabanata Exodo 23