Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ang Awit Ni Solomon 6:1-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O babaing napakaganda,giliw mo'y saan ba nagpunta?Ika'y aming tutulungan sa paghanap mo sa kanya.

2. Ang mahal kong kasintahan ay nagpunta do'n sa hardin,sa hardin na ang halama'y mababangong mga tanimupang kawan ay bantayan at ang liryo ay pitasin.

3. Ang irog ko'y akin lamang, at sa kanya naman ako;sa kanya na nagpapastol ng kawan sa mga liryo.

4. Katulad ng Jerusalem ang ganda mong tinataglay,tila Tirzang may pang-akit ang iyong kagandahan.

5. Sa aki'y huwag mong ititig ang mata mong mapupungay,pagkat ako'y nabibihag, hindi ako mapalagay.Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y sumasayawparang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.

6. Ang ngipin mo'y kasimputi nitong tupang bagong linis,walang kulang kahit isa, maganda ang pagkaparis.

7. Ang ganda mo'y di magawang maitago nang lubusannasisinag sa belo mo kagandahang tinataglay.

8. Ang reyna ko'y animnapu, walumpu ang kalaguyo;bukod doo'y marami pang di mabilang na kasuyo.

9. Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang,kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan.Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal,kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman.“Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabimga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri.

Basahin ang kumpletong kabanata Ang Awit Ni Solomon 6