Lumang Tipan

Bagong Tipan

2 Samuel 23:21-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Siya rin ang pumatay sa isang higanteng Egipcio, kahit ang sandata niya'y isa lamang pamalo. Naagaw niya ang sibat ng Egipcio, at iyon na ang ipinampatay rito.

22. Iyan ang kasaysayan ng bantog na si Benaias, ang labis na hinahangaan at kaanib ng “Tatlumpu.”

23. Sa pangkat na ito, siya ay talagang kinikilala, ngunit hindi pa rin siya kasintanyag ng grupong “Ang Tatlo.” Dahil sa kanyang tapang, ginawa siyang sariling bantay ni David sa kanyang palasyo.

24. Ang iba pang kabilang sa pangkat ng “Tatlumpu” ay si Asahel na kapatid ni Joab; si Elhanan na anak ni Dodo na taga-Bethlehem;

25. si Samma na isang Harodita; si Elica na Harodita rin;

26. si Helez na isang Peleteo; si Ira na anak ni Ekis na taga-Tekoa;

27. si Abiezer na taga-Anatot; si Mebunai na taga-Husa;

28. si Zalmon na taga-Aho; si Maharai na taga-Netofa;

29. si Heleb, anak ni Baana, taga-Netofa rin; si Itai, anak ni Ribai na taga-Gibea sa lupain ng Benjamin;

30. si Benaias na taga-Piraton; si Hidai na buhat sa mga libis ng Gaas;

Basahin ang kumpletong kabanata 2 Samuel 23