Lumang Tipan

Bagong Tipan

2 Mga Hari 25:9-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Sinunog niya ang Templo, ang palasyo, at ang malalaking bahay doon.

10. Ang mga pader ng lunsod ay giniba naman ng mga kawal na kasama ni Nebuzaradan.

11. Dinala niyang bihag ang natitira pang mga tao sa Jerusalem, pati ang mga sumuko sa hari ng Babilonia.

12. Ang iniwan lamang niya roon ay ilang mga dukha upang magbungkal ng lupa at magtrabaho sa mga ubasan.

13. Ang mga haliging tanso, patungang tanso at ang palangganang tanso na nasa Templo ay tinanggal nila, pinagpira-piraso at dinala sa Babilonia.

14. Kinuha rin nila ang mga kagamitan sa Templo: ang palayok, pala, lalagyan ng abo, plato, sunugan ng insenso at ang lahat ng kagamitang tanso.

15. Kinuha rin nila ang gintong lalagyan ng baga at lahat ng kasangkapang ginto at pilak.

16. Ang mga haliging tanso, ang hugasang tanso at ang patungan nito ay hindi na nila tinimbang sapagkat napakabigat.

17. Ang taas ng isang haligi ay walong metro at may koronang mahigit na isa't kalahating metro ang taas. Nababalot ito ng mga palamuting tanso: hinabi ang iba at ang iba nama'y kahugis ng prutas na granada.

18. Dinala sa Babilonia ang mga taga-Juda. Kasama sa mga nabihag ni Nebuzaradan ang pinakapunong paring si Seraya, ang kanang kamay nitong si Zefanias at ang tatlong bantay-pinto.

19. Nabihag din niya ang namamahala sa mga mandirigma ng lunsod, ang limang tagapayo ng hari, ang kalihim ng pinunong kawal, at ang animnapung taóng nakita niya sa lunsod.

20. Ang mga ito'y dinala niya sa Ribla, sa kinaroroonan ng hari ng Babilonia,

Basahin ang kumpletong kabanata 2 Mga Hari 25