Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 7:8-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jeremot, Abias, Anatot at Alamet.

9. Sila'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 20,200.

10. Ang anak ni Jediael ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Jehus, Benjamin, Aod, Canaana, Zetan, Tarsis at Ahisahar.

11. Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at pinuno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200.

12. Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dan ay si Husim at ang angkan ni Aher.

13. Ang mga anak ni Neftali ay sina Jahzeel, Guni, Jezer at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha.

14. Ito naman ang mga anak ni Manases sa asawa niyang Aramea: Azriel at Maquir na ama ni Gilead.

15. Ikinuha ni Maquir ng asawa sina Hupim at Supim. Ang pangalan ng kapatid niyang babae ay Maaca. Ang pangalawang anak ni Maquir ay si Zelofehad. Babae namang lahat ang anak nito.

16. Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem.

17. Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Gilead na anak ni Maquir at apo ni Manases.

18. Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiezer at Mahla.

19. Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Likhi at Aniam.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 7