Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 4:25-42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Anak ni Saul si Sallum, at apo niya si Mibsan. Anak naman ni Mibsan si Misma.

26. Mga anak ni Misma sina Hamuel, Zacur at Simei.

27. Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit kaunti lamang ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay Juda.

28. Ito ang mga lunsod na tinirhan nila: Beer-seba, Molada, Hazar-shual,

29. Bilha, Ezem, Tolad,

30. Bethuel, Horma, Ziklag,

31. Beth-marcabot, Hazar-susim, Beth-biri, at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si David.

32. Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan,

33. pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa bayan ng Baalat. Ito ang talaan na kanilang iniingatan tungkol sa kanilang mga angkan at mga lugar na kanilang tinirhan. Habang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.

34-38. Ito ang mga naging pinuno ng kanilang mga angkan: Mesobab, Jamlec at Josa na anak ni Amazias; sina Joel at Jehu na mga anak ni Josibias na anak ni Seraias na anak naman ni Asiel; sina Elioenai, Jaacoba, Jesohaias, Asaias, Adiel, Jesimiel, at Benaias. Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Jedaias na anak ni Simri na anak naman ni Semaias.Patuloy sa paglaki ang kanilang mga angkan,

39. kaya't kumalat sila sa dakong silangan, at sa paghahanap ng pastulan ay umabot sila hanggang sa kapatagan ng Gedor.

40. Nakatagpo sila ng magandang pastulan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa lugar na iyon.

41. Ang nabanggit na angkang ito ni Simeon ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Ezequias sa Juda. Winasak nila ang lugar na iyon, nilipol ang mga Meunim na naroon at sila ang tumira, sapagkat maganda ang pastulan doon.

42. Sa mga sumalakay na ito, limandaan pang tauhan ni Simeon ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Pelatias, Nearias, Refaias at Uziel, mga anak ni Isi.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 4