Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 26:9-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Labing-walo naman ang mga kamag-anak na pinamumunuan ni Meselemias at pawang matatapang din.

10. Kabilang din ang pangkat ni Hosa, mula sa angkan ni Merari na binubuo ng kanyang mga anak. Si Simri, bagama't hindi panganay ay ginawang pinuno ng sambahayan ng kanyang ama.

11. Kasama rin ang iba pang mga anak niyang sina Hilkias, Tebalias at Zacarias. Labing-tatlo ang mga anak at kamag-anak ni Hosa.

12. Ang mga pangkat na ito ng mga bantay-pinto sa pangunguna ng pinuno ng kanilang sambahayan ay may kanya-kanyang pananagutan sa paglilingkod sa Templo ni Yahweh gaya ng kanilang mga kamag-anak.

13. Nagpalabunutan sila ayon sa kani-kanilang sambahayan, para malaman kung aling pinto ang kanilang babantayan.

14. Ang pinto sa silangan ay napunta kay Selemias, at ang gawing hilaga ay sa anak niyang si Zacarias, isang mahusay na tagapayo.

15. Kay Obed-edom napunta ang gawing timog, at sa kanyang mga anak naman ang mga bodega.

16. Ang pinto sa kanluran at ang pinto ng Sallequet sa daang paakyat ay napunta kina Supim at Hosa. May kanya-kanyang takdang oras ang kanilang pagbabantay.

17. Sa gawing silangan, anim ang bantay araw-araw. Sa hilaga at timog ay tig-aapat, at tig-dadalawa naman sa bodega.

18. Sa malaking gusali sa gawing kanluran, apat sa labas at dalawa sa loob.

19. Ito ang mga pangkat ng mga bantay sa pinto mula sa mga angkan ni Korah at ni Merari.

20. Ang mga Levita sa pangunguna ni Ahias ang namahala sa kabang-yaman ng Templo at sa bodega ng mga kaloob sa Diyos.

21. Si Ladan na isa sa mga anak ni Gershon ay ninuno ng maraming angkan, kasama na ang pamilya ng kanyang anak na si Jehiel.

22. Ang mga pinuno ng pangkat ni Jehiel ay ang kanyang mga anak na sina Zetam at Joel. Sila ang namahala sa mga kabang-yaman ng Templo.

23. Ang mga Amramita, Isharita, Hebronita, at Uzielita ay binigyan din ng tungkulin.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 26