Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 2:7-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Anak ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan, ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Israel dahil sa paglabag sa utos ng Diyos na may kinalaman sa mga bagay na itinakdang wasakin.

8. Si Azarias naman ay anak ni Etan.

9. Ang mga anak ni Hezron ay tatlo: sina Jerameel, Ram at Caleb.

10. Anak ni Ram si Aminadab na ama ni Naason, isang pinuno sa lipi ni Juda.

11. Anak ni Naason si Salma na ama naman ni Boaz.

12. Si Boaz ang ama ni Obed na ama naman ni Jesse.

13. Ang panganay na anak ni Jesse ay si Eliab, pangalawa si Abinadab at si Simea ang pangatlo.

14. Ang pang-apat ay si Netanel, panglima si Radai,

15. pang-anim si Ozem at pampito si David.

16. Dalawa ang kapatid nilang babae: sina Zervias at Abigail. Tatlo ang anak ni Zervias: sina Abisai, Joab at Asahel.

17. Ang anak naman ni Abigail ay si Amasa na ang ama ay si Jeter na isang Ismaelita.

18. Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba na ang pangalan ay Jeriot. Ang mga anak niyang lalaki ay sina Jeser, Sobab at Ardon.

19. Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur.

20. Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.

21. Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub

22. na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead.

23. Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead.

24. Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 2