Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 2:39-54 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

39. Si Azarias ang ama ni Helez na ama ni Eleasa.

40. Si Eleasa ang ama ni Sismai na ama naman ni Sallum.

41. Si Sallum ang ama ni Jecamias na ama ni Elisama.

42. Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Jerameel ay si Mesa na ama ni Zif. Si Zif ay ama ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron.

43. Ang mga anak ni Hebron ay sina Korah, Tapua, Requem at Sema.

44. Si Sema ang ama ni Raham na ama ni Jorqueam, at si Requem naman ang ama ni Samai.

45. Ang anak ni Samai ay si Maon na ama naman ni Beth-sur.

46. Naging asawang-lingkod ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo: sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang ngalan ng naging anak ni Haran.

47. Ang mga anak ni Jahdai ay sina Regem, Jotam, Gesam, Pelet, Efa at Saaf.

48. Kay Maaca, isa pang asawang-lingkod ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa: sina Seber at Tirhana.

49. Naging anak niya rito si Saaf na ama ni Madmana at si Seva na ama naman nina Macbena at Gibea. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.

50. Ito ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay na anak niya kay Efrata. Naging anak naman ni Hur sina Sobal na nagtatag ng Lunsod ng Jearim,

51. si Salma na nagtatag ng Bethlehem at si Haref na nagtatag ng Beth-gader.

52. Si Sobal ang ama ni Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Menuho.

53. Kay Sobal din nagmula ang ilang angkang nanirahan sa Lunsod ng Jearim tulad ng mga Itrita, mga Putita, mga Sumatita, mga Misraita, mga Zorita at mga Estaolita.

54. Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Bethlehem ay ang Netofatita, Atrot-bet-joab, at ang kalahati ng mga Manahatita at Zorita.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 2