Lumang Tipan

Bagong Tipan

1 Mga Cronica 2:19-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur.

20. Si Hur ang ama ni Uri na siya namang ama ni Bezalel.

21. Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na ama ni Gilead. Naging anak niya si Segub

22. na ama ni Jair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod sa lupain ni Gilead.

23. Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang mga Nayon ni Jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Lahat-lahat ay animnapung bayan. Ang lahat ng mamamayan dito'y buhat sa angkan ni Maquir na ama ni Gilead.

24. Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb si Efrata na biyuda ng kanyang ama, at naging anak nila si Asur na nagtatag ng bayan ng Tekoa.

25. Ito ang mga anak ni Jerameel, ang panganay ni Hezron: sina Ram, Buna, Orem, Ozem at Ahias.

26. Si Jerameel ay may isa pang asawa na Atara ang pangalan; siya ang ina ni Onam.

27. Ang panganay na anak ni Jerameel ay si Ram, at sina Maaz, Jamin at Equer ang mga anak nito.

28. Mga anak ni Onam sina Samai at Jada. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Nadab at Abisur.

29. Asawa ni Abisur si Abihail at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid.

30. Mga anak ni Nadab sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak.

31. Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na ama ni Ahlai.

32. Ang mga anak ni Jada na kapatid ni Samai ay sina Jeter at Jonatan. Namatay na walang anak si Jeter.

33. Ang mga anak ni Jonatan ay sina Pelet at Zaza. Ito ang mga anak at salinlahi ni Jerameel.

34. Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Jarha ang pangalan.

Basahin ang kumpletong kabanata 1 Mga Cronica 2