Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Taga-Galacia 6:6-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

6. Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.

7. Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.

8. Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan.

9. Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.

10. Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

11. Mapapansin ninyo na malalaki ang titik ng sulat na ito. Ako ang siyang sumulat nito!

Basahin ang kumpletong kabanata Mga Taga-Galacia 6