Lumang Tipan

Bagong Tipan

Mga Gawa 27:22-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Ito ngayon ang payo ko, lakasan ninyo ang inyong loob sapagkat walang mamamatay isa man sa inyo! Kaya nga lamang, mawawasak ang barko.

23. Nagpakita sa akin kagabi ang isang anghel ng Diyos, ang Diyos na sinasamba ko at pinaglilingkuran.

24. Sinabi niya sa akin, ‘Huwag kang matakot, Pablo! Dapat kang humarap sa Emperador. Alang-alang sa iyo'y ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga kasama mong naglalakbay.’

25. Kaya, tibayan ninyo ang inyong loob, mga kasama! Nananalig ako sa Diyos na mangyayari ang lahat ayon sa sinabi niya sa akin.

26. Kaya lamang, mapapadpad tayo sa isang pulo.”

27. Pagkalipas ng dalawang linggo sa gitna ng dagat, napadpad kami sa Dagat Mediteraneo. Nang Maghahating-gabi na, napuna ng mga marinero na nalalapit na kami sa pampang.

28. Sinukat nila ang tubig at nakitang may apatnapung metro ang lalim nito; at pagsulong pa nila nang bahagya ay muli nilang sinukat, at nakitang may tatlumpung metro na lamang.

29. Sa takot na sumadsad kami sa batuhan, inihulog nila ang apat na angkla sa hulihan ng barko at ipinanalanging mag-umaga na sana.

30. Tinangka ng mga marinero na tumakas mula sa barko kaya't ibinabâ nila sa tubig ang bangka, at kunwari'y maghuhulog ng angkla sa unahan.

31. Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan at sa mga sundalo, “Kapag hindi nanatili sa barko ang mga taong iyan, hindi kayo makakaligtas.”

32. Kaya't nilagot ng mga kawal ang lubid ng bangka at hinayaan itong mahulog.

33. Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay.

34. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!”

Basahin ang kumpletong kabanata Mga Gawa 27