Lumang Tipan

Bagong Tipan

Lucas 20:40-47 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

40. At mula noon ay wala nang naglakas-loob na magtanong sa kanya.

41. Si Jesus naman ang nagtanong sa kanila, “Paano nasasabi ng mga taong ang Cristo ay anak ni David?

42. Si David na rin ang nagsabi sa Aklat ng mga Awit,‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,“Maupo ka sa kanan ko,

43. hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’

44. Ngayon, kung ‘Panginoon’ ang tawag ni David sa Cristo, bakit sinasabi ng mga taong siya'y anak ni David?”

45. Habang nakikinig ang lahat kay Jesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad,

46. “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan na mahilig lumakad nang may mahahabang kasuotan at gustung-gustong maparangalan sa mga liwasan. Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa sinagoga at ang mga upuang pandangal sa mga handaan.

47. Hinuhuthot nila ang ari-arian ng mga biyuda at ang mahahaba nilang dasal ay mga pagkukunwari lamang. Dahil diyan, lalo pang bibigat ang parusang igagawad sa kanila.”

Basahin ang kumpletong kabanata Lucas 20