Lumang Tipan

Bagong Tipan

Juan 2:1-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang ina ni Jesus.

2. Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa kasalan.

3. Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya, “Anak, naubusan sila ng alak.”

4. Sinabi ni Jesus, “Huwag po ninyo akong pangunahan, Ginang. Hindi pa po ito ang tamang panahon.”

5. Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, “Gawin ninyo ang anumang sabihin niya sa inyo.”

6. May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang 115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning panrelihiyon ng mga Judio.

7. Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, “Punuin ninyo ng tubig ang mga banga.”At pinuno nga nila ang mga banga.

8. Pagkatapos, sinabi niya, “Kumuha kayo ng kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.”Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at

9. tinikman nito ang tubig na naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal

10. at sinabi, “Ang masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!”

11. Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya ang mga alagad.

Basahin ang kumpletong kabanata Juan 2