mga Kabanata

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51

Lumang Tipan

Bagong Tipan

Ecclesiastico 31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Ang Kayamanan

1. Ang pag-aalala sa kayamanan ay nakakapayatbunga ng pagpupuyat at kawalan ng pahinga.

2. Ang labis na pag-aalala sa hanapbuhay ay di nagpapatulog sa gabi,parang malubhang sakit na ayaw magpatulog.

3. Puspusang nagtatrabaho ang mayaman upang magkamal siya ng salapi,sa gayon, pagtigil niya'y maaari na siyang magpasasa sa buhay.

4. Nagpapagal din ang mahirap ngunit wala namang naiipon,at pagtigil niya'y dukha pa rin siya.

5. Ang labis na nagmamahal sa ginto ay mahirap maging banal,ang gahaman sa pagkita ay malamang magkasala.

6. Dahil sa salapi ay marami nang bumagsakat lubusang napahamak.

7. Para sa mga sumasamba sa salapi ito ay isang patibong,at maraming mga hangal ang nahulog doon.

8. Mapalad ang yumaman nang hindi nagkasala,na hindi nagpakahibang sa paghabol sa salapi.

9. Sino siya na dapat nating parangalan?Siya lamang sa kanyang lahi ang nakagawa ng gayong kamangha-manghang bagay.

10. Sino ang nakaranas ng gayong pagsubok at nagtagumpay?May katuwiran siyang ipagmalaki ito.Nagkaroon siya ng pagkakataong magkasala, ngunit hindi siya nagkasala.Maaari siyang gumawa ng masama, ngunit hindi niya ginawa.

11. Dahil dito'y magiging matatag ang kanyang kabuhayanat pupurihin ng buong bayan ang mga ginawa niyang kabutihan.

Tungkol sa Pagdalo sa mga Handaan

12. Kapag ikaw ay naanyayahan sa isang maringal na piginghuwag kang magpakita ng pananabik at magsabing, “Mukhang masarap ito!”

13. Tandaan mo na masama ang katakawan,at sa lahat ng nilalang, walang kasintakaw ang mata;kaya naman napakalimit itong naluluha.

14. Huwag mong dadamputin ang lahat ng iyong makita,at huwag kang makikipag-unahan sa pagdampot ng pagkain.

15. Alalahanin mo ang damdamin ng iba batay sa sarili mong damdamin,at maging maunawain ka sa lahat ng pagkakataon.

16. Kainin mo ang anumang nakahain sa iyo na para kang isang maginoo,at huwag kang magpakita ng magaspang na asal kung hindi mo nais na ikaw ay kamuhian.

17. Hinihiling ng kagandahang-asal na magpauna kang umayaw.Huwag kang magpakita ng labis na katakawan nang hindi ka lumabas na kahiya-hiya.

18. Kung marami kang kasalo sa piging,huwag kang magpauna sa pagkuha ng pagkain.

19. Ang kaunti ay tama na sa may magandang-asalat kapag siya'y nahiga, maginhawa ang kanyang paghinga.

20. Ang kumakain nang katamtaman lamang ay mahimbing matulog,maagang magising, magaan ang katawan at malinaw ang isip;ngunit ang kumakain nang labis ay hindi agad makatulog,balisa ang katawan at hirap ang loob.

21. Sakaling maparami ang kinain mo sa pigingtumayo ka, at magpahinga at magiginhawahan ka.

22. Makinig ka anak, at huwag mong hahamakin itong sasabihin ko,darating ang araw na makikita mo rin ang halaga nitong aking payo.Anuman ang gagawin mo'y huwag kang magpakalabis,at maaasahan mong hindi ka magkakasakit.

23. Ang masarap maghanda ay pupurihin ng lahat,at ang karangalang iyon ay mananatili habang panahon.

24. Ang napakatipid maghanda ay mababalitang kuripotat ang paniniwalang iyan ay mahirap pabulaanan.

Ang Alak

25. Huwag mong ipagmayabang ang lakas mo sa inuman,marami na ang napahamak sa pag-inom ng alak.

26. Kapag pinabaga at binasa ang patalim, nasusubok ang husay nito,sa kanyang pag-inom nakikilala ang maginoo.

27. Ang alak ay nagpapasigla sa buhaykapag ito'y ininom nang katamtaman.Ano ang sarap ng mabuhay kung walang alak?Ang alak ay nilikha upang magpaligaya sa tao.

28. Kung ang alak ay iniinom nang napapanahon at nang katamtaman,ito ay nagpapaligaya sa puso at nagpapasigla ng kalooban.

29. Ngunit sakit ng ulo, hirap ng loob at kahihiyan,ang dulot ng alak kapag ininom nang labis.

30. Ang pagkalasing ay nagiging gatong sa galit ng hangal, na nagbubunsod sa kanya sa kapahamakan.Nakakabawas ng lakas at nakadaragdag ng mga sugat.

31. Huwag mong pagsasabihan ang isang tao sa oras ng inuman,huwag mo siyang hahamakin habang siya'y nagsasaya.Hindi iyon ang panahon ng pakikipagtalo,at paniningil ng pautang.